Nagpaalala ang Manila Veterinary Inspection Board sa mga pet owner na maaari ring tamaan ng leptospirosis ang mga aso.
Ayon kay Dr. Hector David Dimaculangan, Division Chief ng Pound & Animal Disease Control Services, kadalasang tinatamaan nito ang mga aso dahil lumalakad o lumulusong din ang mga ito sa baha na posibleng kontaminado ng ihi ng daga.
Kabilang sa mga sintomas ng leptospirosis ang paninilaw ng balat o mata at hirap sa pag-ihi ng aso.
Sa ginanap na Dog Pawshion Show (Pet Show) sa Senior Citizens & Pet Park Plaza Azul sa Quirino Avenue, Pandacan, Manila, nagpaalala siya sa mga pet owner na pabakunahan laban sa leptospirosis ang kanilang mga alaga at agarang ipakonsulta sa mga beterinaryo kung makaranas ng mga sintomas.