Pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment o DOLE ang pagtatayo ng training center para sa mga espesyalista sa eco-friendly shipbuilding sa Zambales.
Layunin nitong mapaunlad ang kasanayan ng mga manggagawang Pilipino, palakasin ang international partnerships at tugunan ang pangangailangan sa skilled workers ng shipbuilding industry.
Nakipagpulong si DOLE Secretary Francis N. Tolentino sa mga kinatawan ng HD Hyundai Heavy Industries o HHI at Korea Marine Equipment Research Institute o KOMERI, na pinangunahan ni HHI Head Manager at Executive Shin Sang-woon, sa DOLE Central Office sa Intramuros, Maynila.
Tinalakay sa pulong ang feasibility study, direksyon ng pagpapatupad at mga kinakailangang hakbang ng pamahalaan para sa proyekto.
Ayon kay Secretary Tolentino, makikipagtulungan ang DOLE at TESDA para mapabilis ang mga mekanismo at matukoy ang angkop na lugar para sa training center, lalo na’t nakatakdang mag-convene ang ASEAN sa Nobyembre ngayong taon.