Photo courtesy of PNP-PIO
Nakumpiska ng mga awtoridad ang halos 100 kilo ng hinihinalang marijuana kush na nagkakahalaga ng ₱147.48 milyon sa Subic Bay Yacht Club.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police, Bureau of Customs, at iba pang law enforcement units.
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., nadiskubre ang 89 plastic bags na naglalaman ng hinihinalang marijuana kush matapos umalerto ang isang PDEA narcotic detection dog habang iniinspeksyon ang isang yate.
Umabot sa 98,322 gramo ang kabuuang timbang ng nakumpiska.
Dinala na sa PDEA Region 3 Laboratory Section ang mga kontrabando para sa laboratory examination at dokumentasyon. Sinabi ni Nartatez na mahalaga ang koordinasyon ng mga ahensya upang mapigilan ang pagpasok ng ilegal na droga sa mga komunidad.