Ikinatuwa ng Department of Social Welfare and Development ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Republic Act No. 12325, na nagpapalawak sa access sa de-kalidad na tertiary education.
Sa ilalim ng batas, prayoridad sa Tertiary Education Subsidy ang mga anak ng pamilyang benepisyaryo ng 4Ps.
Layunin nitong mabigyan ng mas malaking oportunidad sa kolehiyo at technical-vocational education ang mga kabataang mula sa mahihirap na pamilya.
Kasama rin sa makikinabang ang mga estudyanteng may kapansanan, kabilang ang financial assistance para sa internship at Related Learning Experience fees.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, makatutulong ang batas upang mapanatili ang mga nakamit ng 4Ps sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga kabataan. Sinabi ni Dumlao na susuportahan ng ahensya ang CHED at TESDA sa pagpapatupad ng batas upang matiyak na makikinabang ang mga mahihirap at vulnerable na estudyante.