Kabuuang 117 na returning overseas Filipino workers ang tumanggap ng financial assistance mula sa Department of Migrant Workers-National Capital Region sa ginanap na Batch 1 awarding ceremony ng ELPOR kahapon.
Layunin ng programa na tulungan ang mga displaced at distressed OFWs na makapagsimula ng pagkakakitaan at muling maitayo ang kanilang kabuhayan sa Pilipinas.
Pinangunahan ni DMW-NCR Assistant Regional Director Maria Theresa Sanz ang awarding ceremony sa DMW Central Office sa Mandaluyong City.
Ayon kay Sanz, maaaring makatulong ang financial assistance upang makapagsimula muli ang mga benepisyaryo sa kanilang pagbabalik sa bansa.
Ang ELPOR ay bahagi ng mga programa ng pamahalaan para sa reintegration ng mga OFW, alinsunod sa UPLIFT initiative ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.