Nagpahayag ng interes ang United Arab Emirates (UAE) at Saudi Arabia na magtayo ng oil storage facilities sa Pilipinas.
Kinumpirma ni Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na walang anumang gagastusin ang bansa sa nasabing proyekto.
Ayon sa DOE, isa itong magandang paraan upang hindi na maiwan ang bansa tuwing mayroong problema sa suplay ng langis sa mundo dahil may direkta nang suplay na maiimbak sa bansa.
Giit pa ni Abad na ang panukalang foreign-owned hubs ay commercially operated, subalit nais ng gobyerno ng arrangement na magbibigay ng prayoridad o ‘reserve rights’ kapag nagkaroon ng krisis sa suplay ng langis.
Oras na maaprubahan, magkakaroon ng target na 50 milyong barel ng langis ang mailalagay sa nasabing hub. Nakikipag-ugnayan na ang bagong-buong Philippine Strategic Petroleum Reserve team sa Saudi Arabia ukol sa nasabing plano.