Pinayuhan ni House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang mga nagsasabing walang “pasabog” sa mga testimonya ng kanilang mga testigo laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Ridon, tila kailangan lamang “i-unmute” o lakasan ang tunog ng video sa telebisyon o radyo ng mga kritiko upang marinig ang mga isinisiwalat ng mga witness.
Binigyang-diin niya na napakarami nang ibinunyag na detalye at rebelasyon kaugnay ng mga alegasyon laban sa Bise Presidente.
Nanawagan din ang mambabatas sa mga tagasuporta ng pamilya Duterte na panoorin at pakinggan nang mabuti ang paglilitis upang personal na makita at masuri ang mga iniharap na ebidensya.