Welcome ni House Committee on Higher and Technical Education Chairperson at TINGOG Party-list Rep. Jude Acidre ang pagsasabatas ng Republic Act No. 12325, na nagpapatibay sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Sa ilalim ng bagong batas, magkakaroon ng mas malinaw na prioritization scheme para sa Tertiary Education Subsidy (TES), kung saan unang bibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral mula sa pamilyang 4Ps.
Binuo rin dito ang bagong Private Education Assistance Program para sa mga kwalipikadong mahihirap na estudyante na nagnanais kumuha ng priority courses sa mga pribadong kolehiyo at technical-vocational institutions.
Ayon kay Acidre, ang mga pagbabagong ito ay tugon sa mga naging kakulangan sa pagpapatupad ng libreng tertiary education upang matiyak na ang tulong ng pamahalaan ay nakadirekta sa mga pinakanangangailangan batay sa kanilang tunay na kalagayan.