Naglabas ng paalala ang Embahada ng Pilipinas sa Seoul, South Korea, na mag-avail ng travel insurance sa pagpunta sa naturang bansa.
Lalo na ang mga bibiyahe sa South Korea bilang mga turista.
Ayon sa embahada, importante ang travel insurance para sa proteksyon ng mga Pilipino sa medical emergency, mga di inaasahang gastusin, at kung magkakaroon ng aberya sa biyahe.
Nagpaalala rin ang embahada na maging alerto habang nasa South Korea at sumunod sa mga batas at regulasyon. Ingatan din ang mga gamit at pati na rin ang kalusugan at kaligtasan ng bawat isa.
Matatandaan na kamakailan ay may napaulat na apat na Pilipinong hindi umuwi sa Pilipinas matapos pumunta sa South Korea bilang mga turista. Dahil dito, naghigpit ng regulasyon ang travel agencies sa pagpoproseso ng visa ng mga Pilipinong turistang pupunta sa naturang bansa.