Kinokonsidera ng National Bureau of Investigation (NBI) na maghain ng ethics complaint laban kay 1st District Batangas Rep. Leandro Leviste.
Sinabi ito ni Atty. Melvin Matibag matapos ianunsyo na sasampahan na ng reklamong qualified human trafficking sa Department of Justice si Leviste dahil sa umano’y “honey trap” scheme o pagpaplano nito ng sex scandal plot laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
Ayon kay Matibag, posibleng ihain ito sa House Committee on Ethics and Privileges sa susunod na linggo. Hanggang sa ngayon, wala pa rin namang komento si Leviste sa mga naging pahayag at pagsasampa ng reklamo ng NBI laban sa kanya.