Pinuri ng Moody’s Ratings ang monetary policy, banking system, at external position ng Pilipinas, na ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay mahalaga sa pagpapatatag ng ekonomiya laban sa mga external shocks.
Ayon kay BSP Governor Eli Remolona Jr., ipinapakita ng assessment ng Moody’s ang halaga ng maayos na monetary policy, matatag na banking system, at malalakas na external buffers ng bansa.
Sinabi ng Moody’s na may matibay na track record ang BSP sa pagpapanatili ng monetary at financial stability, habang inaasahang babalik ang inflation sa two to four percent tolerance range ng BSP pagsapit ng 2027 hanggang 2028.
Inilarawan din ng credit rating agency ang banking system ng bansa bilang well-capitalized, profitable, at competently managed dahil sa mahigpit na supervision at macroprudential measures ng BSP. Samantala, binigyang-diin din nito ang sapat na foreign exchange reserves, remittances, at kita mula sa BPO industry bilang panangga sa external shocks. Noong Agosto 24, muling kinumpirma ng Moody’s ang Baa2 investment-grade rating ng Pilipinas, na may stable outlook.