Kinumpirma ng National Bureau of Investigation na may probable cause ang korte sa kasong grave threats laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa Saturday News Forum, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na nakapasa sa pamantayan ng Department of Justice ang kasong isinampa laban sa Vice President.
Kabilang sa pamantayan ng DOJ ang pagkakaroon ng reasonable certainty of conviction bago isampa ang kaso sa korte.
Matapos tanggihan ng Quezon City Regional Trial Court ang motion to dismiss ng Vice President, naglabas ito ng warrant of arrest.
Samantala, sinabi ni Matibag na magkaiba ang criminal case at impeachment proceedings, bagama’t maaari umanong may kaugnayan ang ebidensya sa dalawang proseso.
Samantala, iginiit ng NBI Chief na korte ang magpapasya sa kaso batay sa ebidensyang ihaharap ng magkabilang panig.