Pinag-aaralan ng Department of Finance (DOF) at JP Morgan Asset Management ang mga hakbang para palakasin ang Philippine equity market at mahikayat ang mas maraming investors na lumahok sa capital market.
Kinatawan ni Finance Secretary Frederick Go si Government Corporations and Investments Group Undersecretary Maria Angela Ignacio sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng JP Morgan Asset Management.
Tinalakay sa pulong ang pagpapalakas ng liquidity at aktibidad sa stock market, pati na ang pagpapalawak ng partisipasyon ng retail at institutional investors.
Ibinahagi rin ng JP Morgan ang mga estratehiyang ginagamit sa Singapore at iba pang regional markets na maaaring makatulong sa pagpapasigla ng local equity market at higit pang pagpapaunlad ng Philippine capital market.
Layunin ng mga hakbang na gawing mas kaakit-akit sa mga investors ang Pilipinas.