Dalawang lanes na sa magkabilang direksyon ng NLEX San Simon, kabilang ang Tulaoc area, ang passable na sa lahat ng klase ng sasakyan at maayos na ang daloy ng trapiko.
Ayon sa pamunuan ng NLEX, kahit nitong weekend ay tuloy tuloy ang kanilang ang flood mitigation efforts para mapababa ang lebel ng tubig at mapanatiling passable ang expressway.
Samantala, dahil nananatili namang baha ang ilang komunidad at bahagi ng MacArthur Highway na katabi ng NLEX San Simon, pansamantalang pinapahintulutan ang parking sa mga designated lay-by area malapit sa San Simon entry at exit points para matulungan ang mga residenteng maprotektahan ang kanilang mga sasakyan.
Bilang bahagi rin ng flood response, nakaalalay ang mga ahensya ng pamahalaan kabilang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na naglaan ng pumping equipment at personnel, gayundin ng L-shaped flood barriers para makatulong na mapigilan ang pagpasok ng tubig sa expressway.