Screenshot
Nakatutok pa rin ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa lagay ng Bulkang Kanlaon sa Negros.
Ito kasunod ng naitalang ash emission mula sa Kanlaon Volcano kaninang ala-1:09 ng madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS, umabot sa 500 metro mula sa summit crater ang ash plume bago tinangay ng hangin patungong silangan.
Bukod sa pagbuga ng abo, nagkaroon din ng 11 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras.
Nananatiling nakataas sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon.
