Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbaba sa imbentaryo ng bigas sa bansa nitong Agosto.
Ayon sa PSA, naitala sa 2.18 milyong metriko tonelada ang kabuuang rice stocks inventory as of August 1, 2026.
Mas mababa ito ng 13.3% mula sa 2.51 milyong metric tons na naitala noong Hulyo at 6.3% kung ikukumpara sa kaparehong buwan noong 2025.
Bumaba rin sa 32.2% ang stocks sa National Food Authority (NFA) depositories at 0.3% sa households, habang bahagyang tumaas ng 0.2% ang stocks sa commercial sector.
Karamihan ng rice stocks ay nasa commercial sector na may 47.5%, 38.4% sa households, at 14.1% sa NFA depositories.