DSWD, nagbabala laban sa pekeng UPLIFT educational assistance links
Pinag-iingat ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko laban sa mga pekeng Facebook page at online post na nag-aalok umano ng “UPLIFT educational assistance” kapalit ng personal na impormasyon.
Paglilinaw ni DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao, walang educational assistance sa ilalim ng UPLIFT Assistance at wala ring online registration para rito.
Hinimok ng DSWD ang publiko na huwag mag-click ng kahina-hinalang links o magbigay ng personal na impormasyon at i-verify ang mga impormasyon sa opisyal na communication channels ng ahensya.