Dalawa pang survivors ang nailigtas ng mga rescuers sa Nepal sanhi ng flash flood at landslide.
Isang Chinese National ang na rescue sa Hydro Power Tunnel kung saan maraming manggagawa pa din ang nawawala pa.
Isang 60 taong gulang na Nepalese naman ang nailigtas din ng mga rescuers sa ika-apat na palapag ng kanyang bahay na halos matabunan ng putik sampung araw matapos maganap ang flash floods at landslides sa Nepal.
Batay sa ulat ng CNN International, hindi bababa sa 1,362 katao ang pinaniniwalang nasawi sanhi ng flash flood at landslide sa Nepal at Tibet.