Nilinaw ni House prosecution counsel Benjamin “Jay” Tolosa Jr. na may magkaibang layunin at kaparusahan ang dalawang proseso na kinahaharap ni VP Sara Duterte.
Ito ay ang kasong impeachment at ang kasong kriminal na grave threats na isinampa ng Department of Justice sa Quezon City Regional Trial Court.
Ayon kay Tolosa, nangangailangan ng mas mataas na antas ng ebidensya o quantum of proof ang isang kasong kriminal laban kay VP Sara kumpara sa paglilitis sa kaniyang impeachment trial.
Paglilinaw ni Tolosa, “clear and convincing evidence” lamang ang pamantayan sa impeachment dahil ang layunin lamang nito ay tukuyin kung karapat-dapat pa ring manatili sa puwesto ang isang matataas na opisyal at hindi ang pagpapakulong sa kaniya Philippines.
Ayon sa Konstitusyon, ang parusa sa impeachment ay limitado lamang sa pagpapatalsik sa puwesto at habambuhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng pampublikong tungkulin, ngunit hindi nito pinipigilan ang hiwalay na paghahabla ng kasong kriminal laban sa opisyal.