Sinabi ni Private Prosecutor at Prosecution legal spokesperson Atty. Benjamin Tolosa na maaari pa ring talakayin sa publiko ang mga detalye ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa kabila ng umiiral na sub judice rule.
Ayon kay Tolosa ang mahalaga lamang ay ito ay nakabatay lamang ito sa patas at tumpak na pag-uulat ng mga ebidensya at testigong naiharap na sa korte.
Mahalaga rin aniya na maging maingat ang mga house prosecutor na iiwasan ang pagbibigay ng personal na opinyon o konklusyon ukol sa pagiging guilty o inosente ng Bise Presidente.
Ayon kay Tolosa, bagama’t nililimitahan ng Rule 18 ng Senate Rules on Impeachment ang mga pampublikong komento ng mga partidong kasama sa paglilitis, hindi ito nangangahulugang ipinagbabawal ang pag-uulat sa publiko ng mga tunay na kaganapan sa pagdinig.