Patuloy na sinusuri ng mga kaukulang security unit ang seguridad ni Vice President Sara Duterte, katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, seryosong tiningnan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang lahat ng usapin kaugnay ng seguridad ni Duterte.
Sinabi ni Padilla na magsasagawa aniya ng kinakailangang pagbabago batay sa mga na-validate na impormasyon at sa umiiral na threat assessment.
Nilinaw naman ni Padilla na hindi maaaring ilabas ng AFP ang mga partikular na detalye hinggil sa security arrangements o threat assessment, alang-alang sa operational security.
Matatandaang ang AFP pangunahing nagbibigay ng seguridad kay Duterte sa pamamagitan ng AFP Security and Protection Group (AFPSPG).