Pinuri ni Senator Bam Aquino ang mga batang Pinoy karatekas na nag-uwi ng mga medalya sa 3rd Asian Karate Youth Open Championship and Training Camp sa Hangzhou, China.
Kinikilala sa Senate Resolution No. 580 ni Aquino ang kahanga-hangang performance ng delegasyon ng Pilipinas mula sa Fight Alliance Sports Team-International Shotokan Karate Federation (FAST-ISKF) at Alfonso Karatedo Kobudo Renmei (AAKR) laban sa mga kapwa martial artist mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya.
Kabilang dito ang 9-anyos na si Romeo Viktor Enriquez, na nag-gold medal sa Under-10 Male Kumite at pasok sa Top 5 ng kanyang unang international competition.
Nag-back-to-back gold naman si Wifredo Apellido sa Under-12 Male Kata at nag-silver sa Kumite.
Kinilala rin ni Aquino ang iba pang batang atleta mula sa FAST-ISKF at AAKR, at binigyang-diin ang kahalagahan ng suporta sa kabataan at sports development.
Ayon sa senador, hindi lang medalya ang naiuuwi ng mga batang atleta kundi pati disiplina, tiyaga, kumpiyansa at inspirasyon para sa kapwa kabataan.