Muling hihilingin ng pamahalaan sa INTERPOL ang Red Notice laban kay dating Congressman Zaldy Co, kaugnay ng P7.44-bilyong kasong plunder.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, personal niyang susundan sa Lyon, France ang koordinasyon sa INTERPOL upang matunton at maaresto si Co.
Makikipag-ugnayan naman si Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa diplomatic channels para sa posibleng pagpapauwi kay Co sa Pilipinas.
Kabilang din sa plunder case sina dating House Speaker Martin Romualdez, Joselyn Tragua Sereño, at Felicito Cristobal Guevarra.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y kickback scheme sa flood control at iba pang government infrastructure projects mula 2022 hanggang 2025. Patuloy naman ang paghahanap ng mga awtoridad kina Sereño at Guevarra upang maipatupad ang kanilang mga arrest warrant.