Walang naitalang Pilipinong nasugatan o nasawi sa malawakang pagbaha sa Nagoya, Japan nitong Martes.
Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Mylene Albano, nasa mabuting kalagayan ang ating mga kababayang Pilipino sa nasabing lugar.
Dagdag pa ni Albano, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng embahada sa mga Filipino community sa Nagoya upang matiyak ang kanilang kaligtasan at malaman kung may mga Pilipinong naapektuhan ng insidente.
Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng embahada sa mga lokal na awtoridad at community leaders upang mabilis na matukoy at matulungan ang mga Pilipinong maaaring nangangailangan ng assistance. | ulat ni Aj Ignacio