Pinadidisbar ng National Bureau of Investigation o NBI sa Korte Suprema si dating Cong. Jing Paras, na umano’y facilitator sa tangkang sex scandal plot laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
Ayon sa NBI-National Capital Region, sapul din sa disbarment case sina Atty. Ruy Rondain, Orlando Mendiola, Patrick Criaga, at Josemilio Manuel Apostol.
Sila umano ang gumawa ng script at affidavit ng apat na kinontratang artistang babae upang sirain si Recto.
Una nang inirekomenda ng NBI sa Department of Justice na kasuhan ng qualified human trafficking ang mga nabanggit, kasama si Cong. Leandro Leviste at talent manager na si Lito de Guzman.
Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, malinaw ang mga ebidensya laban sa mga isinasangkot sa napurnadang character assassination plot.
Pinabulaanan na nina Paras, Leviste, at apat na abogado ang mga alegasyon. | ulat ni Aj Ignacio