Arestado ng mga operatiba ng Police Regional Office 8 ang nasa anim na indibidwal matapos mahuli sa aktong iligal na nagbebenta ng produktong petrolyo.
Ito’y ayon kay PRO-8 Director, Police Brig. Gen. Romano Cardiño ay matapos ang ikinasang entrapment operations sa Brgy. Pawing, Palo, Leyte nitong weekend.
Nakuha ng mga awtoridad sa lugar ng operasyon ang iba’t-ibang kagamitan gaya ng electric pump hose, 10 plastic container kung saan, 6 dito ang may lamang diesel habang 4 ang walang laman at ₱15,000 cash.
Dinala ang mga naaresto sa Palo Municipal Police Station para sa kaukulang documentation at disposisyon habang inihahanda ang kasong qualified theft, paglabag sa anti-fencing law at sa iligal na pagbebenta ng produktong petrolyo
Hinikayat naman ni Cardiño ang kanilang nasasakupan na huwag matakot i-ulat sa kanila ang anumang iligal na mga aktibidad sa kanilang lugar.
