Kumpiyansa si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na maibabalik sa Pilipinas si dating kongresista Zaldy Co, na kasalukuyang pinaniniwalaang nasa France.
Sinabi ni Remulla na alam na ng pamahalaan kung saan nakatira si Co sa France at bahagi ng kanyang nakatakdang biyahe roon ang pagsisikap na maiuwi sa Pilipinas ang dating mambabatas.
Nang tanungin kung kumpiyansa siyang maisasama pabalik si Co, sinabi ng kalihim na naniniwala siyang nasa likod nila ang batas at mapapatunayan nilang nararapat itong gawaran ng warrant of arrest.
Kaugnay nito, sinabi ng SILG na kabilang sa kanyang agenda sa France ang pag-follow up sa kahilingan ng Pilipinas sa International Criminal Police Prganization o INTERPOL para sa red notice laban kay Co.
Nilinaw din ng SILG na hindi magkasabay ang kanyang biyahe at ang pagpunta sa France ng kanyang kapatid na si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla.
Ayon sa SILG, magkaiba ang kanilang mga lakad at magkahiwalay silang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya.