Kinumpirma ng National Bureau of Investigation na naghain na ang ahensya ng disbarment case laban sa mga abogado ng umano’y sangkot sa honeytrap scheme o “sex scandal plot” na binuo para kay Executive Secretary Ralph Recto.
Batay sa kumpirmasyon ng NBI, inihain ang kaso ngayong araw (September 11) sa Korte Suprema.
Hindi naman na inisa-isa ng NBI kung sino ang mga abogado na kabilang sa disbarment case pero kasama aniya rito si dating Congressman Jing Paras, Atty. Ruy Rondain at iba pang abogado na kasama sa reklamo ng NBI sa DOJ.
Matatandaan na ayon sa NBI, ang ilang abogadong sangkot ay pinaniniwalaang taga-gawa umano ng script para sa honeytrap scheme na ang nakaisip aniya ay si Batangas 1st District Congressman Leandro Leviste.
Sinampahan na ng NBI reklamong qualified human trafficking si Leviste sa DOJ.