Ipinagmalaki ng Light Rail Manila Corporation na sa kabila ng pabago-bagong panahon sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya dulot ng habagat, tuloy-tuloy ang serbisyo ng LRT-1 sa mga commuter.
Katunayan, nitong August, kahit pa sunod-sunod ang suspensyon ng klase at trabaho sa mga opisina ng gobyerno, umabot pa rin sa 376 thousand kada araw ang average na commuter na naserbisyuhan ng LRT-1.
Tiniyak ng LRMC ang maginhawang biyahe sa kanilang mga bagon at tren.
Sa kamakailan namang isyu na may tumulong tubig sa loob ng bagon, pati na rin ang drainage na nagkaroon ng bara sa Yamaha Monumento Station, agaran na itong nabigyang-solusyon.
Natanggal na ang bagon na may sira sa aircon at napalitan na ang sirang drainage valve. Natanggal na rin ang bara sa station at tuloy-tuloy na ang maayos na operasyon at serbisyo ng linya ng tren sa ngayon.