Magandang pagkakataon para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mailatag ang Energy Situation ng bansa dahil na din sa kasalukuyang geopolitical situation.
Ito ang pananaw ni Dan Kenard Abriol, Supervising Research Specialist ng Philippine Institute for Development Studies o PIDS, sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
Ayon kay Abriol, malaki ang maaaring maitulong ng mga member countries ng BRICS sa lagay ng Energy situation ng bansa upang lalo pa itong magkaroon ng Energy Sustainability.
Dagdag pa ni Briol, batay sa pag-aaral ng PIDS, natiling malaking hamon sa bansa ang energy security, na aniya, 70% energy supply ng Pilipinas ay mula sa Fossil Fuel samantalang 45% lang ang galing sa Renewable o Energy Self Sufficiency Sources.