Sinampahan na ng Southern Police District o SPD ang pitong indibidwal, kabilang si Bayan Muna Chairperson Teddy Casino, matapos magsagawa ng kilos-protesta sa isang presidential event sa isang hotel sa Bonifacio Global City sa lungsod ng Taguig nitong Huwebes.
Ito’y sa kabila ng isinasagawang Luzon Economic Corridor Investment Forum sa nasabing hotel kung saan naroroon ang ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay SPD District Director Rodel Pastor, sinampahan na nila ng kasong direct assault, physical injuries, paglabag sa Batas Pambansa Blg. 880 o Illegal Assembly, at iba pang kaso sina Casino at pitong iba pa. Samantala, patuloy namang nagpapagaling ang 16 na pulis at limang rallyista matapos magkaroon ng tensyon sa nasabing pagtitipon.