Nasa 98% na ang security preparations ng pamahalaan para sa halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Lunes, September 14.
Sa Saturday News Forum, sinabi ni PNP Spokesperson Police Colonel Allen Rae Co na all systems go na ang deployment at security plan para sa eleksyon.
Naka-full alert ang mga pulis sa BARMM hanggang sa matapos ang election period.
Naka-alerto rin ang mga PNP unit sa mga kalapit na rehiyon bilang dagdag seguridad.
Ayon kay Co, ang natitirang 2% ay para sa mga huling adjustment at paghahanda sa anumang posibleng sitwasyon.
Kabilang sa mga huling gawain ang final testing at sealing ng mga vote counting machine, na tutulungan ng pulisya.
Tinatayang 2.4 milyong botante ang inaasahang boboto sa BARMM, sa mahigit 5,200 clustered precincts.