Screenshot
Pinabulaanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang kumakalat na screenshot sa Facebook na nag-uugnay kay Chair George Erwin Garcia sa isang miyembro ng Bangsamoro Federalist Party (BFP).
Ayon sa COMELEC, fake news ang naturang post. Ang katabi ni Garcia sa larawan ay si Commissioner Nelson Celis, habang ang iba pang kasama nila ay mga opisyal at kawani ng komisyon.
Nilinaw din ng COMELEC na walang miyembro ng anumang partido politikal sa larawan. Ang restaurant na kanilang pinuntahan ay bukas sa publiko at maaaring kainan ng kahit sino.
Nagbabala ang komisyon na ang pagpapakalat ng maling impormasyon na maaaring makasira sa integridad ng halalan ay paglabag sang-ayon sa Omnibus Election Code at may kaukulang parusang pagkakakulong mula isa hanggang anim na taon.
Tiniyak ng COMELEC sa mga taga-Bangsamoro na nananatiling non-partisan ang mga opisyal at kawani nito, alinsunod sa kanilang mandato. Binigyang-diin din ng komisyon na ang iresponsableng pagpapakalat ng maling impormasyon ay isang banta sa demokrasya.
📸 COMELEC