Dumating na sa bansa ang ika-apat na 8-car electric trainset para sa North-South Commuter Railway (NSCR) Malolos-Tutuban segment.
Kasalukuyan itong sumasailalim sa importation process ng Bureau of Customs bago dalhin sa Malanday Depot sa Valenzuela City.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Banoy Lopez, sumailalim sa masusing inspeksyon ang trainset para matiyak ang kaligtasan at maayos na serbisyo nito sa mga pasahero.
Target ng DOTr na matapos sa December 2027 ang Valenzuela-Malolos phase ng NSCR, at simulan ang full operations sa ikaapat na quarter ng 2028.
Ang bagong trainset ay binili mula sa Japan Transport Engineering Company at Sumitomo Corporation sa ilalim ng Contract Package 03.
Kapag ganap nang operational, ang 147-kilometrong NSCR ay may 35 istasyon at inaasahang makapagseserbisyo ng halos 800,000 commuter araw-araw.
📸 DOTr

