Opisyal nang kasapi ang Pilipinas ng Coalition for Disaster Resilient Infrastructure (CDRI).
Ang CDRI ay isang pandaigdigang koalisyon na nagtataguyod ng pambansang kooperasyon na naglalayong palakasin ang katatagan ng mga imprastraktura laban sa mga panganib na dulot ng pagbabago ng klima at mga kalamidad.
Ang official welcome letter ay itinurn-over ni CDRI Director General Amit Prothi na tumawag kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nasa New Delhi para sa 18th BRICS Summit.
Magiging pakinabang ng Pilipinas sa pagiging miyembro ng CDRI ang pagkakaroon ng access sa global expertise na may kinalaman sa lalo pang pagpapalakas ng disaster and climate resilient infrastructure.

