Photo courtesy of COMELEC
Nakapagtala ang Commission on Elections ng mga guro na nagbago ang isip na magsilbi sa kauna-unahang BARMM Paliamentary Elections.
Aabot sa kabuuang 839 na mga giro na ang hindi na makapagsisilbi pa bilang electoral board members matapos silang umatras sa kanilang tungkulin dahil sa iba’t-ibang dahilan.
Halimbawa rito ay may mga guro na namimili ng presinto, kamag-anak ng mga kandidato at mga hindi dumalo sa final testing and sealing ng mga makina.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, karamihan sa mga ito ay mula Maguindanao del Sur, meron din dito sa Cotabato City, sa Tawi-tawi, Lanao del Sur at special geographic area.
Nilinaw naman ni Garcia na hindi na pananagutin o kakasuhan ang mga umatras na guro.
Pero sabi ni Garcia aabot sa 1700 tauhan ng PNP ang nakastandby para pumalit bilang electoral board member na marunong gumamit ng makina.
Nagbabala rin si Garcia sa mga kandidato na mamimili ng boto ng nga botante dahil kritikal itong usapin lalo na’t ilang oras na lamang bago ang halalan. | ulat ni Lorenz Tanjoco