Kabuuang ₱4.3 bilyong halaga ng ayuda at serbisyo ang ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA) sa 542,000 benepisyaryo sa 269 local government units (LGUs) sa buong bansa.
Ginawa ito sa ilalim ng Handog ng Pangulo program, na kabilang ang suporta para sa palay, mais, high-value crops, livestock, at pangisdaan.
Kasama rin dito ang Kadiwa ng Pangulo at Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo program.
Sa ilalim din ng programa ang “Benteng Bigas, Meron Na!” na nagbibigay ng ₱20-per-kilo rice sa vulnerable sectors.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layunin ng ayuda na matulungan ang mga magsasaka na mas mapalaki ang produksiyon, kita, at seguridad sa kabuhayan.
Ang Handog ng Pangulo 2026 ay isinagawa ngayong Setyembre 14, kaugnay ng paggunita sa kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.