Umarangkada na ang Parliamentary Elections sa lahat ng presinto sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM, maliban sa 36 na presinto sa Maluso, Basilan, kung saan nadiskubre ang mga nakompromisong balota dahil shaded na o mayroon nang nakalagay na boto.
Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, nakapag-imprenta na sila ng mga balota at nasa paliparan na para ilipad sa Zamboanga at dalhin sa Maluso, Basilan.
Inaasahan namang darating ang mga ito sa mga naapektuhang presinto at masisimulan ang eleksyon ng 3:00 o 4:00 PM.
Una nang sinabi ni Garcia na may opsyon ang COMELEC na palawigin ang oras ng halalan sa isang lugar kung kinakailangan, depende sa sitwasyon, lalo na kung marami pang nakapilang botante.