Aminado ang Commission on Elections na isa sa problema nila ngayon ang naglipana na mga fake news online.
Paliwanag ng comelec, layon ng mga ito na takutin ang publiko at manggulo sa halalan.
Dahil dito ay hinikayat ng komisyon ang publiko na kumuha ng impormasyon sa lehitimong sources tulad ng media.
Iginiit din ng COMELEC na walang dapat ipangamba ang publiko na boboto ngayong araw lalo’t mahigit 10 libong pulis din ang nakakalat sa buong BARMM.
Sa kabila nito ay binigyang diin ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na handang-handa na ang COMELEC para isagawa ang BARMM Parliament Elections ngayong araw, September 14, 2026.
Mula rito sa main office ng COMELEC. | ulat Lorenz Tanjoco