Nagsagawa na ng mga pagkilos ang mga Regional office ng Department of Trade and Industry (DTI) upang matiyak na nasa tama ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng banta ng El Niño at naitalang mataas na inflation.
Ayon kay DTI Western Visayas Acting Regional Director Mutya Eusores hindi tumitigil sa pag-iikot ang kanilang mga tauhan upang tiyaking walang nananamantala sa presyuhan ng basic commodities.
Hinimok din ng DTI Western Visayas ang mga consumer na agad ipagbigay-alam sa pinakamalapit na tanggapan ng DTI sakaling may ma-obserbahan silang hindi normal na paggalaw sa presyo ng basic goods.
Sa ngayon, patuloy ang monitoring ng DTI Western Visayas upang tiyaking pasok sa suggested retail price ang mga pangunahing bilihin.
Ilan nga sa mga tinitignan nilang items ay ang essential needs sa banta ng El Niño partikular ang mga bottled water.