Hindi na pinatawan ng penalty ng Women’s Tennis Association (WTA) si tennis star Alex Eala matapos niyang piliing katawanin ang Pilipinas sa Asian Games sa halip na sumali sa China Open, isang mandatory WTA 1000 tournament para sa mga manlalarong pasok sa kanyang ranking.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Sports, sinabi ni Philippine Tennis Association Executive Director Tonette Mendoza na hiniling nila sa WTA na i-waive ang anumang penalty kay Eala dahil sa pagliban nito sa mandatory tournament upang lumahok sa isang Olympic qualifier at katawanin ang Pilipinas.
Sinabi ni Mendoza na hindi na sila nakatanggap ng tugon mula sa WTA tungkol sa kanilang kahilingan.
Sa pagbasa niya sa mga alituntunin ng WTA, walang malinaw na probisyon tungkol sa paglalaro para sa sariling bansa kapalit ng paglahok sa isang mandatory tournament.
Ayon kay Senador Bong Go, mahalagang suportahan ang mga atletang napipilitang pumili sa pagitan ng kanilang international professional career at tungkulin bilang kinatawan ng Pilipinas.