Nanawagan si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa lahat ng kandidato, supporters at political groups na tiyaking magiging mapayapa, maayos at credible ang kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)
Ayon kay Zubiri, makasaysayan ang halalan matapos ang apat na postponement at mahalagang mabigyan ang mga taga-Bangsamoro ng pagkakataong malayang makapili ng kanilang mga lider.
Hinikayat ng senador ang lahat ng kandidato at kanilang mga tagasuporta na maging mahinahon, igalang ang proseso ng halalan at tanggihan ang karahasan, pananakot at anumang pagtatangkang impluwensiyahan ang kagustuhan ng mga botante.
Nanawagan din si Zubiri sa security forces at election authorities na manatiling alerto at patas para maprotektahan ang karapatan ng bawat botante na makilahok nang malaya at ligtas.
Giit ng majority leader, malayo na ang narating ng Bangsamoro Peace Process kaya dapat pangalagaan ang mga nakamit nito sa pamamagitan ng mapayapang halalan at paggalang sa resulta ng botohan. | ulat ni Nimfa Asuncion