Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tutulong ito para sa maayos na paglilipat sa mas disenteng tirahan ng 85 pamilyang matagal nang naninirahan sa ilalim ng tulay sa Osmeña Highway sa Malate, Manila.
Sa pagbisita ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa komunidad nitong Martes, nakipagkumustahan ang kalihim sa mga residente at ipinaliwanag ang planong relocation sa tulong ng DSWD Pag-Abot Program at National Housing Authority (NHA).
Naglaan din ang DSWD ng transitory shelter assistance at community departure conditioning para ihanda ang mga pamilya sa kanilang paglipat.
Kasama sa isinagawang townhall meeting sina DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, Social Technology Bureau Director Marilyn Moral, NHA General Manager Joeben Tai, at Manila Department of Social Welfare Director Jay Dela Fuente.
📸 DSWD

