Plano ng Department of Trade and Industry na silipin ang posibleng pag-extend ng zero tariff para sa electric vehicles.
Ang zero tariff ay ipinatutupad upang lumakas ang EV market sa bansa at mas maengganyo ang mga Pilipino na tangkilikin ito.
Sa pamamagitan nito, kahit walang taripa, nakakapasok sa bansa ang mga EVs, kasama ang mga battery nito, pati na rin ang hybrid EVs at plug-in hybrid EVs, at magtatagal naman ang zero tariff hanggang sa 2028.
Ayon sa DTI, nais nilang makita kung epektibo ang zero tariff sa pagpapalakas ng EVs sa merkado. Kung epektibo, posibleng ipagpatuloy ang implementation kahit pagkatapos ng 2028.
Dati nang nanawagan ang Electric Vehicle Association of the Philippines o EVAP na ipagpatuloy ang zero tariff sa EVs hanggang sa 2040.