Photo courtesy of Philippine Red Cross
Umabot na sa 42 ang food truck fleet ng Philippine Red Cross (PRC) sa buong bansa.
Ito ay matapos makatanggap ng isang bagong food truck mula sa Metrobank Foundation na nagkakahalaga ng P1.7 milyon.
Ayon kay PRC Chairman and CEO Richard Gordon, hindi lamang ito para sa pagtugon sa sakuna kundi maaari ring dalhin sa mga komunidad kung saan mayroong mga batang malnourished.
Maaari ring i-convert ang food truck sa mobile kitchen kung saan pwedeng magluto, may tubig, sanitasyon, kuryente, at LPG.
Sinabi ng PRC na kayang pasukin ng food truck ang makikitid na kalsada sa Metro Manila, pati na ang malalayong komunidad sa kanayunan.