Nakatutok ang Philippine National Police (PNP) sa mga pagkilos na isasagawa sa September 21.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Allen Rae Co, wala pa silang na-monitor na banta sa ngayon.
Sinusuri pa rin nila ang lahat ng impormasyong dumarating hinggil sa mga pagtitipon.
Gayunman ay hindi aniya magpapakakampante ang PNP.
Nanawagan din ng PNP sa publiko na ipaalam agad sa mga awtoridad ang anumang nakikita nilang paghihikayat ng gulo sa social media.
Ito aniya ay upang mapananatiling mapayapa at maayos ang mga isasagawang kilos-protesta.
Nakiusap din sila sa mga raliyista na iwasan ang pagsusunog ng effigy dahil labag ito sa batas at hindi na umano ito maituturing na bahagi ng peaceful assembly.