Nakadaupang palad ng mga mag-aaral at guro ng Sta. Barbara Central School si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang kanyang pagbisita sa paaralan ngayong araw, September 17, 2026.

Sa kanyang pagdating, nasaksikan ng Pangulo ang pagbibigay serbisyo ng PhilHealth sa kanilang YAKAP Caravan na naglalayong matiyak ang kalusugan hindi lamang ng mga mag-aaral kundi maging ng kanilang mga magulang.
Personal din nitong nakita ang pagpapatupad ng School-based Feeding Program kung saan nagsalo sa tinolang manok at kanin ang mga mag-aaral ng paaralan bilang bahagi ng pagsusulong sa wastong nutrisyon ng mga ito.
Ang Pangulo ay sinalubong nina Dr. Beverly Lorraine C. Ho, Acting President and CEO ng PhilHealth, Atty. Fatima Lipp Panontongan, Undersecretary and Chief of Staff ng Department of Education (DepEd), Pangasinan Governor Ramon Guico III, Pangasinan 3rd District Congresswoman Maria Rachel Arenas at mga lokal na opisyal ng bayan ng Sta. Barbara sa pangunguna ni Mayor Carlito Zaplan Sr.
Samantala, sa isang panayam, sinabi ni DepEd Undersecretary and Chief of Staff Atty. Fatima Lipp Panontongan na maswerte sila na mabisita ng Pangulo ang Sta. Barbara Central School at makita ang mga programang nakatutok sa kalusugan na ipinapatupad dito. | ulat ni Ruel de Guzman at Raymond Bandong | RP Dagupan