Inihayag ni trial spokesperson at Kabataan Party-list Representative Renee Co na taliwas sa hustisya at pananagutan at awtomatikong pagpabor sa akusado ang hindi pagboto, abstention, o ang pagliban sa impeachment trial ng mga senator-judge.
Ito ang pahayag ni Co, matapos ang pagtalakay ng voting threshold ng “amicus curei” o “friends of the court”.
Diin ni Co, hindi makatarungang isama sa magiging bilangan ang mga absent at walang ambag sa paglilitis.
Sang-ayon ang mambabatas sa ibinahagi nina dating Chief Justice Hilario Davide Jr., Artemio Panganiban, at Reynato Puno — provide a clear guide toward a fair resolution.
Nanawagan si Co sa publiko na maging mapagmatiyag lalo na sa darating na oral arguments at botohan ng Senate Impeachment Court kaugnay ng voting threshold.