Patuloy ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela at ng National Housing Authority upang matapos na ang Disiplina Village, isa sa mga pabahay na binisita mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa panayam ng Salaam Radio kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, sinabi nitong on-track ang LGU at ang NHA sa pagtatayo ng nalalabing parte ng Disiplina Village sa Arkong Bato, Valenzuela.
Sa ngayon kasi ay natapos na ang Phase 1, 2 at 3 na may kabuuang 333 units na naipagkaloob na sa mga residenteng inilakas sa waterways sa Valenzuela tulad ng Tullahan river at ang mga residenteng nasunugan noon pang 2022.
Tuloy-tuloy din ang konstruksiyon ng Valenzuela LGU sa mga common facilities sa loob ng Disiplina Village. Inaasahang sa pagtatapos ng taon ay matatapos na ang mga common facilities habang ang Phase 4 na sumasaklaw sa mayorya.