Itinuturing ng Department of Migrant Workers (DMW) na pinakamalalang human trafficking at illegal recruitment scheme sa kasalukuyan ang third country recruitment.
Ito ayon kay DMW Usec. Darlene Pajarito ay dahil ang mga nabi-biktima ay iyong mga Pilipino na nasa ibang bansa, turista man o nagta-trabaho.
“Ngayon ang mga prevalent talagang mga trafficking schemes ay we have the third country recruitment, of course, mayroon din iyong nagri-recruit dito sa bansa natin pero iyong third country recruitment kasi ay iyong mga Filipinos natin nasa abroad na sila either turista sila or nagtatrabaho sila.” -Pajarito.
Ang iba aniya, patapos na ang kanilang kontrata kaya’t nire-recruit sila at inaalok ng umano’y magandang trabaho sa isang ring third world country.
“O patapos na iyong trabaho nila so niri-recruit sila doon at tapos inaalok sila ng trabaho na maganda sa third country/sa ibang country din – kaya we call it the third country recruitment.” -Pajarito.
Kalaunan, malalaman ng mga biktima na non-existent o wala naman talagang magandang trabaho.
Isa pa aniya sa mga hamon sa usaping ito, kasabay ng paglakas ng teknolohiya, nagiging online na rin ang recruitment ng mga manloloko.
“Tapos iyon pala the job is non-existent or hindi iyong sinabi sa kanila – so, may panloloko pa rin. So iyon, one of the prevalent schemes iyon; at saka ngayon dahil sa technology natin ay iyong recruitment ngayon ay marami na ngayon through online.” -Pajarito.
Kaugnay nito, ang DMW, nagtalaga ng isang division na nakatutok sa Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in persons.
24/7 aniya ang operasyon ng mga ito, upang agad na ma-takedown ang mga pekeng online recruitment advertisement. | ulat ni Racquel Bayan